INFO:
#RMNnews | PATOK ‘TO: Spain, ipagbabawal ang pag-access ng porn sites sa mga menor de edad Ipinahayag ng Spain leftist group ang pagsasagawa ng age...
#RMNnews | PATOK ‘TO: Spain, ipagbabawal ang pag-access ng porn sites sa mga menor de edadIpinahayag ng Spain leftist group ang pagsasagawa ng age verification technology na ipagbabawal sa mga menor de edad na makanuod ng pornography online. Dagdag pa rito, nilalayon umano nito na magsagawa ng draft legislation upang matugunan ang problema alinsunod sa dumaraming kaso ng sexual assaults ng mga minor sa Spain. Ibinahagi ni government spokeswoman Pilar Alegria ang pag-aalala sa mga nangyayari at tinawag na major concern for society ang mga insidente. Samantala, inatasan na ng gobyerno ang Spain national data protection agency na bumuo ng isang application na maaaring i-install sa mga mobile phones at iba pang electronic devices na magpapatunay na hindi bababa sa 18-anyos ang mga makaka-access sa porn sites. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng NGO Save the Children, mahigit sa 53% ng mga bata sa Spain ang nakakanuod ng pornography bago pa ito humantong sa 13-anyos. (Diane) #Spain#pornography #pornsites#minors#sexualassualts#tatakrmn | RMN Network News